Thursday, September 29, 2011

Bianca Gonzales, new host of HYY Happy Yipee Yehey ?

Kumpirmado na ngang lilipat si Mariel Rodriguez sa Kapatid Network, at tuluyan na ngang lilisanin ang ABS-CBN 2, kung saan siya ay magiging co-host ng dati niyang kasamahan sa Wowowee na si Willie Revillame sa Wil-Time Bigtime. Ikinagulat nang marami ang desisyon ni Mariel sa paglipat sa kabilang istasyon.




Maiiwan ni Mariel ang noon-time show na Happy Yipee Yehey sa Kapamilya Network kung saan naman co-host niya ang mga Yangku na sina Randy Santiago, John Estrada, Rico J. at ang kanyang kaibigan na si Toni Gonzaga. At maraming nagtatanong kung meron nga bang papalit kay Mariel Rodriguez sa Happy Yipee Yehey.

Hmm.. Usap-usapan ngayon ang pagpasok sa noontime show na kasamahan nina Toni at Mariel na si Bianca Gonzales na kamakailan lamang ay nawala na sa ere ang kanyang show every night na SNN Showbiz News Ngayon with Boy Abunda at ang pagbabalik niya sa Saturday Talk Show na E-Live. So it means, may posibilidad itong maging bagong female host ng Happy Yipee Yehey .. why not di' ba ?



May potensyal naman si Bianca na mapasama sa Noontime Show gayong magaling siya sa larangan ng hosting.