Munti kang sa Kanyang Bayan ipinunla,
Binantaya't Inibig nang upang magbunga;
Sa ilalim ng araw, binigyang pag-asa,
Diniligan ng Biyayang napakasagana.
... Ikaw sa una'y masasabing mahina,
Na 'pag natapaka'y madudurog ng kusa;
Tibayan ang sarili, wag magpapabaya,
'Pagkat ikaw ang pag-asa nitong IGLESIA.
Iyong ibigin Aral ng Magsasaka,
Hawakang mahigpit Salita ng Ama;
Pakinggang mabuti ang Payo sa t'wina,
Bukas ang tindig mo'y magiging maganda.
'Wag magpapadala sa ihip ng hangin,
Na ang tanging nais manligaw ng landasin'
Lupang punlaan lamang ang dapat tahakin,
Nang ika'y tumibay, sa t'wina ay dinggin.
At kung dumating na ang araw na iyon,
Na pinakahihintay ng maraming taon,
Daratnan ka Niyang nasa tamang posisyon;
Matatag na Kaanib ng Bagong Panahon.

- Kapatid na Diane Domingo Medina
Lokal ng Araneta
June 2010
See:
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=123784817684436&set=a.103727663023485.5331.100001587552329&theater#!/groups/168920513148601/doc/177862992254353/

1 comment:
Ang sarap talagang maging isang kapatid . Sa mga tulad ng mga ganitong tula para talagang nakaka inspire .
Post a Comment