Saturday, October 22, 2011

Iglesia Ni Cristo, Binili ang Scenic, So. Dakota

Maraming mga mamamayan ng Scenic, South Dakota, USA ang nagtataka kung bakit nga ba binili ng Filipino Religious Group na Iglesia ni Cristo ang mala ghost town na ito, sa halagang $700,000 0 30,000,000 Php. Ang balitang ito ay kumalat sa iba't ibang pahayagan at News Site and television sa Estados Unidos.

Ayon diumano sa report ng isang pahayagan sa South Dakota na Rapid City Journal, binaggit na binili ng INC ang 59 na piraso ng lupa ng Scenic.

"What the church plans to do with the nearly empty Old West town on the edge of the Badlands remains a mystery. The church hasn’t said anything about its plans for the property, and calls seeking comment from church offices were not returned" ayon sa pahayang Rapid City sa kanilang website.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Central Temple ng Iglesia ni Cristo ukol sa usaping ito.

Pinangalanan ng CNBC ang nagbenta ng halos 74 taong gulang na si Twila Merill. Ngunit nabigo ang CNBC na malaman ang mga impormasyon at iba pang detalye sa pagbili ng INC sa lupaing halos napabayaan na ng ilang taon.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng ground breaking ceremony for the World's largest Dome Philippine Arena na pag-aari rin umano ng INC. Totoo nga bang INC is the richest religious group for all the success they achieved?

No comments: